TAX AMNESTY PROGRAM PARA SA REAL PROPERTY TAX: SIMULA NA
Para sa mga may-ari ng ari-arian na may hindi nababayarang buwis o delinquent real properties, simula ngayon, bukas na ang Tax Amnesty Program ayon sa Section 30 ng Republic Act No. 12001. Ang amnesty program na ito ay naglalayong tulungan ang mga delinquent na mabayaran ang kanilang buwis nang walang dagdag na penalty o interest.
Ang programang ito ay isang espesyal na pagkakataon upang ma-clear ang inyong buwis sa lupa nang walang dagdag na gastos. Ang pagbabayad ng maaga ay hindi lamang makakatulong sa inyong sariling rekord, kundi makakatulong din sa komunidad.
Para sa mga tanong o karagdagang impormasyon, maaari po kayong magtungo sa tanggapan ng ating Pambayang Ingat Yaman sa ground floor ng ating J. Mendoza Sr. Municipal Building.
Samantalahin na ang amnesty program para sa mas magaan at maginhawang pagbabayad ng buwis!

0 Comments