BAYAN NG AGONCILLO, WAGI SA GAWAD PARANGAL 2024 NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE 🇵🇭✨

 




BAYAN NG AGONCILLO, WAGI SA GAWAD PARANGAL 2024 NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE

🇵🇭✨
Kahapon ay pinarangalan ang bayan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Richard Landicho kasama sina Nurse Krissel Caringal at Nurse Ella Rafaella Padua sa isang programa ng Provincial Health Office, ang Gawad Parangal 2024 na may temang: "Universal Health Care: Kalusugan ng Batangas, Hakbang Tungo sa Bagong Pilipinas!" na ginanap sa Batangas Country Club.
Ikinatuwa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Adminsitrador Dr. Noel Mendoza, mga pinuno ng bawat departamento at lahat ng kawani ang tagumpay na ating nakamit na sa kabila ng ating pinagdadaanang pagsubok ay patuloy pa din nating ginagampanan ang ating mga tungkulin upang maipagpatuloy ang isang Magandang Serbisyo Publiko.
Apat na parangal ang ating natanggap at ito ay ang mga sumusunod:
-Mountain Mover Award (Dalawa lamang ang binigyan ng parangal na ito, isang lungsod sa lalawigan at tayo lamang ang natatanging munisipalidad na nakatanggap nito.)
- Excellence in Maternal Health Data Reporting and Delivery Services
-Plaque of Recognition on Certification of Community-Based Drug Rehabilitation Program
- Certificate of Recognition on Healthy Learning Institution (HLI) Projects for selected Last-Mile Elementary Schools in the Province of Batangas
Patuloy nating ipaparamdam sa ating mga kababayan ang isang serbisyong dekalidad, may tunay na malasakit at puso. Para ito sa inyo, aming mga kababayan!
Para ito sa iyo mahal naming Agoncillo!
Pagbati sa lahat ng kawani ng ating Municipal Health Ofiice! Mabuhay po kayo!

Post a Comment

0 Comments