Malaysian Ambassador to the Philippines Abdul Malik Melvin Castelino, kasama ang ilan pang mga opisyales katulad ni Norjufri Nizar Edrus (Deputy Chief of Mission), Wei Win Tay (VP Esquire Tech Group), How Han Hui (President- Malaysia Chamber of Commerce) ay bumisita sa ating bayan.
Pinuntahan nila ang ating mga evacuees sa Pagcor Socio Civic Center. Ibinahagi ni Ambassador na natuwa siya makipag-usap lalo sa mga bata sa evacuation center.
Ipinaabot din nina Mayor Cindy Valenton-Reyes at Vice Mayor Daniel Reyes ang tunay pang kalagayan ng ating bayan at kung anu-ano pa ang ating mga pangangailangan. Nangako naman sila na tutulungan tayo sa temporary at permanent shelters na sa ngayon ay kailangan ng ating mga kababayan.



0 Comments