BAYAN NG AGONCILLO PINARANGALAN BILANG NANGUNGUNANG MUNISIPALIDAD NA MAY HIGHLY FUNCTIONAL LCAT VAWC SA LALAWIGAN NG BATANGAS

 




BAYAN NG AGONCILLO PINARANGALAN BILANG NANGUNGUNANG MUNISIPALIDAD NA MAY HIGHLY FUNCTIONAL LCAT VAWC SA LALAWIGAN NG BATANGAS

🇵🇭✨
Matapos ang isinagawang Zumbayanan para sa kababaihan sa paggunita sa 18-day campaign to END VAW at Flag Raising Ceremony kaninang umaga ay agad na nagtungo ang ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa Batangas Provincial Capitol Auditorium kasama ang mga miyembro ng MWCC, MSWDO at ang ating masipag na miyembro ng Sangguniang Bayan, Kgg. Tagay Sarah Mendoza.
Hinirang ang bayan ng Agoncillo bilang Top 1 Highly Functional LCAT VAWC Municipality sa buong lalawigan. Tumanggap din ang ating LGU sa pamamagitan ng ating Punong Bayan ng Financial Award na limampung libong piso (₱50,000.00).
Bilang presidente ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, siya ang nagbigay ng closing remarks. Ibinahagi niya ang best practices ng Bayan ng Agoncillo para sa ganun ay lahat ng mga bayan at syudad sa Batangas ay maging ideal o highly functional din.
Ito ay para sa inyo mga kababayan at sa bawat babaeng Agoncillian!
Mabuhay po ang Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments