SEMINAR/ TRAINING PATUNGKOL SA FOSTER PARENT AT ADOPTION PROGRAM, ISASAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Ang Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ng MSWDO, ay magdaraos ng isang pagsasanay patungkol sa Foster Parent and Adoption Program sa darating na ika-5 ng Disyembre, 2024, sa G. Brotonel Event Center, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM. Ang programang ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan sa DSWD Regional Alternative Child Care Office (RACCO) 4A.
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong maging foster parent o mag-ampon na dumaan sa tamang legal na proseso. Para sa mga nais lumahok, mangyaring magpalista sa tanggapan ng MSWDO o makipag-ugnayan kay Ms. Jaycel De Castro sa pamamagitan ng kanyang numero 09171848884.
Paalala po sa ating mga kababayan, Unang Dalawampung Couple (20 Couple) lamang po ang makakalahok sa nasabing Seminar/Training.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng programang nagbibigay ng tahanan at pagmamahal sa mga bata!

0 Comments