PAGBISITA, PANGANGAMUSTA AT PAGPAPA-ABOT NG PASASALAMAT NI VM REYES SA ATING MGA KAIBIGANG NAKAKATULONG SA ISINASAGAWANG REHABILITASYON NG ATING BAYAN
Kasama ang MDRRMO, MEO at mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan, binisita ng ating butihing Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes ang ating mga nakakatulong sa rehabilitasyon ng ating bayan. Nagpa-abot siya ng pasasalamat sa mga Punong Barangay ng Panhulan, Kgg. Herman Brotonel, Punong Barangay ng Subic Ibaba, Kgg. Rodolfo Reyes at Punong Barangay ng Subic Ilaya, Kgg. Mario Almanzor.
Gayundin ay personal niyang kinamusta at pinasalamatan si Engr. Libre mula sa Region IV-B (MIMAROPA) na palagi nating kaagapay upang mabilis na maisaayos ang mga naapektuhang lugar sa ating bayan.
Patuloy na ginagawa ng ating Lokal na Pamahalaan ang lahat upang muli nating paipanumbalik ang ganda at sigla ng ating minamahal na bayan. Katuwang ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ay sisiguraduhin natin na bawat pagsubok na ating hinaharap ay may solusyon.



0 Comments