KABABAYAN NATING MULA BANYAGA, IBINIDA ANG PAGKAMALIKHAIN NG ISANG AGONCILLIAN SA PARIS ART WEEK 2024.
Hinangaan ang iba’t ibang mga obra ng mga Filipino Artist ngunit tumatak sa mga naroroon ang likha ni Paw na si Apho Whang Od o si Maria Oggay na isang mambabatok mula sa Buscalan Village sa Kalinga. Ayon kay Paw, nilikha niya ito sapagkat si Apoh Whang Od ay isang ehemplo ng Woman Empowerment at tinulungan niya ang kanyang tribo upang makilala hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.
Ang buong lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes at ang lahat ng kawani ay bumabati sa iyong ipinakitang husay!
Isa kang tunay na halimbawa ng #TalentadongAgoncillian!
We are truly proud of you, Kabayan!
0 Comments