SAMA-SAMANG PAGKILOS, PAMAYANANG NAGTUTULUNGAN, MAGANDANG AGONCILLO MULI NATING MASISILAYAN





SAMA-SAMANG PAGKILOS, PAMAYANANG NAGTUTULUNGAN, MAGANDANG AGONCILLO MULI NATING MASISILAYAN

🇵🇭✨
Personal na nagbigay ng mga kagamitang pang-linis ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa mga kababayan nating naninirahan sa Subic Ilaya at Bilibinwang na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng mga pinsala ng bagyong kristine ang mga tahanan.
Pala at Asarol ang mga kagamitan na ibinigay ng ating Punong Bayan. Ito ay kanilang magagamit upang mabawasan at maalis ang mga putik na nakabalot sa paligid at loob ng kanilang tahanan.
Kasabay ng pamimigay ng mga kagamitang ito ay binisita rin ng ating Punong Bayan ang mga sitio sa barangay Bilibinwang upang makita ang kalagayan ng ating mga kababayan tuwing sasapit ang gabi. Dito ay mababanaag ang isang tahimik na barangay, malungkot ngunit buo ang paniniwala ng ating Ina na sa kabila ng ating mga pinagdaanan ay muling masisilayan ang isang mas magandang Agoncillo.
Sa sama-samang pagkilos, positibong pananaw, pamayanang nagtutulungan at matibay na pananampalataya sa Poong lumikha, lahat ng bagay ay magiging posible.
Kaya natin ito, Bayan ng Agoncillo✨

Post a Comment

0 Comments