KINATAWAN NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD NG DAVAO, NAGPAABOT NG TULONG PINANSYAL SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN



 KINATAWAN NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD NG DAVAO, NAGPAABOT NG TULONG PINANSYAL SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN

🇵🇭✨
Nagpaabot ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlungsod ng Davao sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina DAVAO MDRRMO Alfredo Baloran at kinatawan ng City Treasurer’s Office Mr. Virgilio O. San Pedro kahapon.
Nakadaupang palad nila ang ating masipag na Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza at ang dedikadong pinuno ng MDRRMO-Agoncillo Mr. Junfrance De Villa.
Tinanggap ng ating mga kinatawan mula sa Office of the Municipal Treasurer ang cheque na naglalaman ng Tatlong Daang Libong Piso o (₱300,000. 00).
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes sa ating mga kaibigan na bukas palad na tumutulong sa atin.
Maraming Salamat City Government of Davao!

Post a Comment

0 Comments