KAPIT BISIG KABAYAN: MAGANDANG AGONCILLO , HATID NG ATING BAYANIHAN
Kamakailan ay inumpisahan ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang PNP, ang pagtatayo ng mg tents o temporary shelters na gagamitin ng ating mga kababayan sa Brgy. Bilibinwang at Brgy. Banyaga.
Sa kabutihan ng ating mga Punong Barangay Kgg. Cresencio Almanzor at Kgg. Benigno Palicpic katuwang ang MEO at lokal na pamahalaan ay inumpisahan ng ating mga volunteers ang pagtatayo ng mga palikuran sa ating itatayong Temporary Shelters sa kani-kanilang covered court.
Ikinatuwa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang mga ganitong inisyatibo ng ating mga kababayan. Isa itong patunay na sa pagtutulungan ng bawat isa ay magiging madali at posible lahat ng bagay.
Pagsama-samahan nating ibangon ang ating bayan tungo sa isang mas magandang Agoncillo.



0 Comments