CHARITIMBA: PARA SA AGONCILLO, TULONG NA HATID NG PCSO KASAMA SI KUYA LUCKY MANZANO 🇵ðŸ‡✨
Kahapon ay personal na nagtungo ang mga kinatawan ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa pamumuno ni PCSO Chairman Judge Felix Reyes kasama sina Dir.Janet Mercado, Dir. Jennifer Guevarra at Dir. Imelda Papin sa ating bayan upang mag-abot ng tulong mula sa kanilang tanggapan sa ating mga kababayang Senior Citizen na mostly affected ng Ty Kristine, sa Plaza Elena Covered Court.
Di alintana ng ating mga bisita ang init ng panahon maihatid lang sa ating mga kababayan ang Charitimba na naglalaman ng mga essential goods na magagamit ng ating mga Lolo at Lola. Mas lalo pang pinainit ang programa ng handugan ni PCSO Director Imelda Papin ng awitin ang kanyang mga taga hangang Agoncillian. Tunay na makikita ang tuwa at galak ng ating mga kababayan ng makita nila ng personal ang babaeng nagpasikat ng mga kantang “Isang linggong pag-ibig at Kung liligaya ka sa piling ng iba”.
Muli ring pinasaya ng ating Aspiring Vice Governor Luis “Kuya Lucky” Manzano ang ating mga kababayan at bonus pa dito ang pagsasama niya sa kanyang napakagandang may bahay na si Ms. Jessy Mendiola-Manzano na tunay naman ikinatuwa ng ating mga kababayan.
Katuwang ang PCSO at si Kuya Lucky Manzano ay ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ang lahat upang makalapit ng tulong sa iba’t ibang ahensya. Nabanggit din ng ating masipag na Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza na ang pagkakataong ito ay simbolo at patunay ng hindi matatawarang pagtulong ng PCSO sa bawat mamamayan.
Nasa programa din ang ating mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan, Kgg. Tagay Sarah Mendoza, Kgg. Kidlat Caringal, Kgg. Viong Cacao, Kgg. Wilbert Catena at Kgg. Joel Landicho kasama ang aspiring Mayor ng Bayan ng Taal, Atty. Nene Mercado Bainto.
Tunay na mapalad ang Agoncillo dahil may mga kaibigan tayong bukas palad sa pagtulong at pagmamalasakit na palagiang ipinagpapasalamat ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ng ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko



0 Comments