𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 || Alinsunod sa mandato at sa pagsisikap at malasakit ng ating butihing Mayor, Atty. Cindy Valenton Reyes kaagapay si Vice Mayor Atty. Daniel Reyes, katuwang ang mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan, MSWD, Engineering Office, at ICC Volunteers, isinagawa ang isang in-house relief distribution noong ika-15 ng Nobyembre 2024 para sa mga miyembro ng 4Ps mula sa mga barangay ng Subic Ilaya, Subic Ibaba, Bangin at Bilibinwang.
Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin na makatatanggap ng ayuda ang lahat ng mga 4Ps beneficiaries lalo't higit ang mga wala sa evacuation center at masigurado na walang maiiwan sa kabila ng mga hamon dulot ng kasalukuyang sitwasyon. Sa kabuuan, 139 na mga pamilya mula sa mga nabanggit na barangay ang nabigyan ng tulong, upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa mga panahong ito.
Ang bawat hakbang na isinagawa ay isang pagpapakita ng malasakit at pagkakaisa, na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay ang pag-asa at tulong ay patuloy na dumadaloy. Sama-sama at magkaisa tayo para sa mas maliwanag na bukas.



0 Comments