KINATAWAN NG UPLB COLLEGE OF FORESTRY AND NATURAL RESOURCES, MAKAKATULONG NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAGSASAAYOS NG ATING BAYAN

 





KINATAWAN NG UPLB COLLEGE OF FORESTRY AND NATURAL RESOURCES, MAKAKATULONG NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAGSASAAYOS NG ATING BAYAN

🇵🇭✨
Upang mapag-aralan at makapaglatag ng maayos na plano para sa rehabilitasyon ng ating bayan at mga lugar na nakaranas ng pag guho, nakipag-ugnayan ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, Municipal Agriculturist Ma’am Olive Mirasol at Information Officer Sir Christian Dave Luya sa mga kinatawan ng UPLB College of Forestry and Natural Resources na sina Dr. Adrian Tulod at Forester Kyle Cancino.
Sa isinagawang pagpupulong ay tinalakay ang mga puno na pwedeng itanim pa sa mga gumuhong lupa at kung anong species ang mabubuhay sa klase ng lupang meron tayo.
Matapos ang pagpupulong ay nagtungo ang ating bisita kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa ating bayan upang aralin at tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mga lupain natin. Sinamahan naman tayo ng mga kinatawan ng MDRRMO Agoncillo sa pangunguna no Sir Junfrance De Villa. Dito ay nakita nila ang matinding pinsalang idinulot ng bagyo.
Nangako naman sina Dr. Tulod at Forester Cancino na patuloy nilang pag-aaralan at aalamin ang mga bagay na makakatulong sa muli nating pagsasaayos ng mga nasirang lupain.

Post a Comment

0 Comments