BAWAT ARAW AY ISANG OPORTUNIDAD UPANG MAKAPAGLINGKOD 🇵🇭✨





 BAWAT ARAW AY ISANG OPORTUNIDAD UPANG MAKAPAGLINGKOD

🇵🇭✨
Mula umaga ay hindi na magkamayaw ang mga aktibidad na pupuntahan ng ating butihing Punong Bayan. Sinimulan niya ito ng pakikiisa sa Zumbayanan para sa kababaihan, sinundan naman ng pagdalo niya sa ating regular na Flag Raising Ceremony, matapos ito ay nagtungo sya sa Batangas Provincial Capitol upang makiisa sa pang-probinsyang pagdiriwang ng 18 day campaign to end VAW, pagkauwi niya sa ating Incident Command Center na nasa Legislative Building ay inasikaso niya ang mga dokumentong kakailanganin ng ating Lokal na Pamahalaan, noong matapos niya ang pagpirma at pangangamusta sa ating mga empleyado ay agad na siyang nagtungo sa mga kababayan natin sa Brgy. Bilibinwang upang magdala ng mga kagamitang panlinis at maiinom na tubig.
Kasama ang masipag na miyembro ng ating Sangguniang Bayan Kgg. Tagay Sarah Mendoza, mga kawani ng MDRRMO, MENRO, PIO, MEO, mga volunteers na sina Engr. Valentino Villalobos, Former Brgy. Captain Gilbert Catam, Kuya Aphol Sanggalang at Kuya Nole Hilario, personal nilang tinungo ang bawat sulok ng Sitio Alambre kung saan marami sa mga kababayan natin dito ay binalot ng putik ang paligid ng tahanan.
Kaagapay din natin ang mga Child Representatives na sina Dan Gabriel Reyes at Paul Sapkota na aktibong nakikilahok sa ating mga programa bilang kinatawan ng sektor ng kabataan.
Sa mga pagkakataong tulad nito, hindi natin kakikitaan ng pagod ang ating Ina ng bayan sa paghahatid ng serbisyong tapat at may malasakit. Ang mga ngiti at pag-asa na matatanaw sa mukha ng ating mga nasalantang kababayan ang nagsisilbing pantawid kapaguran sa ating mga lingkod bayan.
Sa pagtatapos ng araw na ito, isang aral ang palagiang tumatatak sa bawat kawani ng ating lokal na pamahalaan at ito ay “Bawat araw ay isang oportunidad upang maglingkod”.

Post a Comment

0 Comments