Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating butihing Punong Bayan, bininyagan sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa sina Baby Moses at Prince Calvin.
Kung matatandaan natin, si Moses ang batang lalaki na natagpuan sa isang tangkal ng manok sa Subic Ibaba na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan. Samantala, si Baby Prince Calvin naman ay ang batang ipinanganak sa Evacuation Center matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine sa ating bayan.
Pinangunahan ng Kura Paroko ng naturang simbahan Rev. Fr. Randy Sodario ang seremonya ng pagbibinyag. Dumalo naman doon ang mga Ninong at Ninang ng mga bata. Matapos ito ay nagkaroon ng munting salo-salo sa ating Legislative building kasama ang mga magulang ni Prince Calvin na sina Mr. and Mrs. Galario. Ang nasabing pagpapabinyag ay sinagot ng ating butihing Punong Bayan sapagkat naniniwala siyang ang mga bata ay mga anghel na dapat mamulat sa kagandahan ng pagiging maka Diyos.
Isa sila sa mga natatanging bata dito sa ating bayan at hiling natin na lumaki silang may takot sa Diyos, mas positibong pananaw sa bawat bagay at malusog.



0 Comments