PAGPUPULONG AT PAGHAHANDA NG LOKAL NA PAMAHALAAN PARA SA PAPARATING NA BAGYO ISINGAWA SA V. MALIGALIG SESSION HALL





 PAGPUPULONG AT PAGHAHANDA NG LOKAL NA PAMAHALAAN PARA SA PAPARATING NA BAGYO ISINGAWA SA V. MALIGALIG SESSION HALL

🇵🇭✨
Ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 14,2024, pinangunahan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Sir Junfrance De Villa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) bilang paghahanda sa paparating na bagyong Pepito. Isinagawa ang pagpupulong sa V. Maligalig Session Hall.
Kasama ang ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes dumalo din sa pagpupulong sina PMAJ Broderick Noprada (PNP), Engr. Cesar Enriquez (MEO) Ma’am Olive Mirasol (MAO), Ma’am Josalyn Cortez (MSWDO), Sir Christian Dave Luya (PIO), Sir Jess Mendoza (CDRT) at Ms. Precious Fajardo (Private Sector Volunteer).
Sa isinagawang PDRA, napag-usapan ang mga bagay na kailangang ihanda at aksyon na gagawin ng lokal na pamahalaan upang masigurong ligtas ang lahat ng ating mga kababayan. Patuloy pa din ang pagpapabatid natin sa ating mga kababayan sa tulong ng PNP-Agoncillo, PIO at MDRRMO na kung sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan ay agad ng lumikas at magtungo sa mas ligtas na lugar.

Post a Comment

0 Comments