Signal no. 1 pa rin po ang Agoncillo sa oras na ito.



 Signal no. 1 pa rin po ang Agoncillo sa oras na ito. Ang babala po ay ibinibigay ilang oras bago tumama ang bagyo. Ang ilang bahagi ng Batangas ay Signal No. 2.

Tinatayang malakas ang hagupit ng Bagyong Pepito kaya ito ay makakapinsala.
Siguruhing may krudo / gas ang mga sasakyan, may Go bag na may lamang tubig, pagkain, gamot, personal na gamit, at iba pang mahalagang bagay.
Lagyan ng plastic at isecure ang mga dokumento / papeles na maaaring mabasa. Siguraduhing naka charge ang mga rechargeable lights, flashlights, fan, power bank, cellphones, etc.
Mag-imbak ng tubig inumin at general use.
Isecure ang mga bubong, talian kung kailangan. Maghanda ng lubid na kapitan kung sakaling bumaha, maiiligtas nito ang inyong buhay.
Turuan ang mga bata at kapamilya na huwag mag-panic at kung saan magkikita kita sakaling magkahiwalay.
Bawal na muna po pumalaot ang mga bangka.
📷 Batangas PIO

Post a Comment

0 Comments