AGONCILLO, ISA SA MGA MAYROONG HIGHLY-FUNCTIONAL RATING SA LCAT-VAWC SA REHIYON NG CALABARZON

 



AGONCILLO, ISA SA MGA MAYROONG HIGHLY-FUNCTIONAL RATING SA LCAT-VAWC SA REHIYON NG CALABARZON

🇵🇭✨
Pagbati sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes sapagkat ang ating bayan ay kabilang sa animnapu’t pitong Lokal na Pamahalaan sa buong CALABARZON na nakakuha ng Highly-Functional Rating sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children Functionality Assessment o LCAT-VAWC.
Sa buong lalawigan ng Batangas na mayroong dalawampu’t siyam (29) na bayan at limang (5) lungsod, isa ang ating bayan sa pitong (7) nakapasok. Mapalad tayo sapagkat ito ay patunay na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat upang mapanatili ang isang bayang ligtas para sa bawat kababaihan at kabataan.
Muli, pagbati sa ating minamahal na Magandang Agoncillo!
Sa lahat ng mga taong nasa likod nito, Mabuhay po kayo!
God Bless Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments