PAKIKIPAG-UGNAYAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA)...

 



PAKIKIPAG-UGNAYAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) TUNGKOL SA PROYEKTONG PABAHAY NA INISYATIBO NG ATING PUNONG BAYAN

🇵🇭✨
Nakipagpulong at talakayan ang ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes , MSWDO Officer Ma’am Josalyn Cortez at ang kinatawan mula sa tanggapan ng MPDC Sir Renzo Mendoza sa mga masisipag na kawani ng National Housing Authority (NHA) sa pangunguna ni Architect Lord Kristian Logmao.
Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan nila ang mga papalapit na proyekto ng NHA sa ating bayan lalo’t higit ang pabahay na makatutulong sa mga kababayan nating nasiraan ng tahanan o kabilang sa mga “Totally Damaged Houses” dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Nagsagawa rin ng site inspection ang mga kinatawan ng NHA kasama ang mga kawani mula sa tanggapan ng Municipal Planning and Development Coordinator Engr. Marcelo Mendoza sa Barangay Pamiga.
Sa inisyatibo ng ating Punong Bayan at kanyang mga magagandang hangarin sa mga nasalanta ng bagyo, patuloy siyang nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Katuwang ang NHA, patuloy tayong magpupursige na maagapayan ang ating mga kababayan lalo na sa panahong kailangang kailangan nila tayo. Ginagawa po ng lokal na pamahalaan ang lahat upang maipagpatuloy ang Magandang Serbisyo Publiko para sa bawat Agoncillian.

Post a Comment

0 Comments