PABASA SA NUTRISYON AT FEEDING PROGRAM ISINAGAWA NG MUNICIPAL HEALTH OFFICE 🇵🇭✨




 PABASA SA NUTRISYON AT FEEDING PROGRAM ISINAGAWA NG MUNICIPAL HEALTH OFFICE

🇵🇭✨
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer Dr. Richard Landicho at mga kawani ay nagsagawa ng Pabasa sa Nutrisyon at katuwang nila ang Pamahalaang Barangay ng Subic Ibaba na nagbigay ng Feeding Program activity para sa mga mag-aaral ng Day Care, mga Undernourished Children at mga buntis sa Brgy. Subic Ibaba ngayong araw.
Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa wastong nutrisyon na kanilang kinakailangan. Si Nurse Ella Padua, ang ating Nutrition Action Officer ang napiling speaker ng mga taga Barangay. Makikita natin ang aktibong pakikiisa ng mga miyembro ng Pamahalaang Barangay ng Subic Ibaba sa magandang inisyatibong ito ng ating Lokal na Pamahalaan.
Naniniwala ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes na kapag ang bawat pamilyang Agoncillian ay may sapat na kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon ay mas maiaangat pa natin ang antas ng kalusugan ng ating mga kababayan.

Post a Comment

0 Comments