PAGKAKASA NG MGA MUNICIPAL ANIMAL CHECKPOINT SA BAYAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨





 PAGKAKASA NG MGA MUNICIPAL ANIMAL CHECKPOINT SA BAYAN NG AGONCILLO

🇵🇭✨
Naglagay ang ating Lokal na Pamahalaan ng mga Municipal Animal Checkpoint sa ilang mga barangay (Sta. Cruz, Banyaga, Barigon, Balangon, Pansipit) sa ating bayan. Pinangunahan ito ng tanggapan ng ating Pambayang Agrikultor Ma'am Olive Mirasol at kanyang mga kawani katulong ang mga Punong Barangay, Barangay Officials at mga VWAS
Samantala ipinababatid ang pagbabawal ng pagdaan sa Barangay Pansipit ng mga truck o sasakyan na naglalaman ng mga Livestock and Poultry Products,feeds at maging Frozen Meat Products upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga alagang hayop sa banta ng ASF.
Mababalitaan natin na ilan sa mga bayan sa ating Probinsya ay sumailalim na sa State of Calamity dulot ng pagdami ng kaso ng ASF.
Patuloy ang paghihiyakat ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza na mag-ingat o ingatan ang ating mga alagang hayop.

Post a Comment

0 Comments