BARAKAHAN NG KABATAAN BOOTH COMPETITION PORMAL NG BINUKSAN 🇵🇭✨

 






BARAKAHAN NG KABATAAN BOOTH COMPETITION PORMAL NG BINUKSAN

🇵🇭✨
Lumahok ang ating Sangguniang Kabataan Municipal Federation sa pangunguna ng ating Kgg. John Mark Hernandez sa kauna-unahang Barakahan ng Kabataan Booth Competition sa Laurel Park, Capitol Site Batangas City ngayong umaga.
Ibinida ng ating Sangguniang Kabataan ang isa sa mga natatanging produkto ng ating Bayan, ang Nilupak. Isang uri ng panghimagas na ang pangunahing sangkap ay ang kamoteng kahoy. Patuloy pa ding isinasagawa sa ating Bayan ang tradisyunal na pag gagawa ng nilupak at isa ito sa mga nagpapakita ng ating mayamang kultura lalo na sa larangan ng pagkain.
Dinumog ng mga bisita at lokal na mamimili ang ating Booth na hango naman ang disensyo sa isang bahay kubo sa Barigon, tanaw ang natatanging ganda ng bulkang Taal at nagsilbing palamuti ang mga sinaunang kagamitan na ginagamit sa paglulupak gaya ng Lusong, Halo, Tapasan ng Niyog, Araro, Yadyaran, Lampara at Plantsang ginagamit sa dahon ng saging.
Layunin ng ating Booth na ipakita ang kwento at ganda ng Agoncillo sa mga taga ibang bayan kahit hindi pa nila ito napupuntahan. Marami din ang natuwa sa pagsasagawa ng tradisyunal na nilupak. Sinubukan nilang gamitin ang halo at lusong at magbayo ng sarili nilang nilupak.
Katuwang ang ating Creatives Team mula sa Mayors Office, Information Officer Sir Christian Dave Luya, Local Youth Development Officer Ma'am Jumaline Alilio at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation ay naitayo ang maaliwalas at kahali-halina nating booth.
Bili na ho kayo, Parine na ho kayo! ✨

Post a Comment

0 Comments