MGA ATLETANG AGONCILLIAN, BINIGYANG PARANGAL NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Isinagawa sa ating G. Brotonel Municipal Events Center ang pagbibigay ng pagkilala sa mga atletang nagdala ng karangalan sa ating Bayan. Ang mga manlalaro mula Subic Elementary School na nagwagi ng "Bronze" Medal sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.
Pagbati sa ating mga Coaches, Asst. Coaches, at lalo't higit sa mga magulang ng ating mahuhusay na manlalaro. Ang inyong sipag, dedikasyon at pagmamahal ay isa sa mga naging susi sa tagumpay ng ating mga ipinagmamalaking atleta!
Mabuhay po kayong lahat!
0 Comments