UUWI NG MAY NGITI AT PUNO NG PAG-ASA
Pabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilan sa ating mga kababayan na lumikas sa kasagsagan ng Bagyong Carina. Apat na araw silang nanatili sa PAGCOR Socio-Civic Center at nasa pangangalaga ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ang atin pong Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambanyang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads at lahat ng kawani ay lubos ang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa ating mga evacuees.
Patuloy tayong maging alerto at ligtas tuwing may mga sakuna.
0 Comments