LGU AGONCILLO NAKIISA SA NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK 🇵🇭✨

 





LGU AGONCILLO NAKIISA SA NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

🇵🇭✨
Nakiisa ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez sa pagdiriwang ng ating National Disability Rights Week ngayong araw na idinaos sa ating G. Brotonel Municipal Events Center.
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads at lahat ng kawani ay kinikilala ang ating mga PWD sa kanilang katatagan at kabutihan. Ganoon din sa kanilang mga magulang na mayroong dedikasyon sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanila.
Matapos ang pakikipagtalakayan kay G. Jhun Carlo De Castro, nagkaroon naman ng Financial Assistance Distribution na pinangunahan ng MSWDO at ng ating Municipal Treasurer's Office.
Malapit sa puso ng ating Mayora ang mga kababayan nating PWD kaya naman pinipilit niya na palaging mayroong programa para sa kanila, naaangkop ito sa tema ng NDRW na "Promoting Inclusions: Celebrating Abilities and Advocating Access" .

Post a Comment

0 Comments