Tawilis Festival Street Dance & Court Dance Competition sa Ika-22 ng Oktubre, 2023





Inaanyayahan Po ang lahat na dumalo at saksihan ang 2nd Tawilis Festival Street Dance & Court Dance Competition sa Ika-22 ng Oktubre, 2023, araw ng Linggo na gaganapin po sa Brgy. Bangin patungong Plaza Elena Covered Court, Brgy. Poblacion simula 7:00 ng Umaga hanggang 2:00 ng hapon.

At ang mga kalahok Po dito ay hinati sa dalawang dibisyon na magmumula po sa ating mga mag-aaral ng Elementarya at Sekondarya dito sa ating distrito ng mahal na Bayan ng Agoncillo.

Proyekto at sa inisyatibo pa rin po ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo para sa Masaya at Masiglang Turismo sa pangunguna Po ng ating masipag at minamahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES katuwang ang ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES at mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, lahat ng mga Kawani at Gng. Charlyn Ann C. Dela Luna, Municipal Tourism Officer.

Maraming Salamat Po.

#magandangagoncillomagandangserbisyopubliko 

Post a Comment

0 Comments