Mainit na mainit na pagbati para sa ating Agoncillo team na nagrepresent ng District 3 sa nakamit na panalo - 1st runner up sa kakatapos lang na awarding para sa Mural Painting sa lungsod ng lipa! 👏🏼
Ito ay programa ng ating ipinagpipitagan at butihin na Sen-Cong. Ralph G Recto, na nilahukan ng 6 na koponan, isa bawat distrito ng lalawigan.
Ang team ay binuo ng high school at college students ng Agoncillo College, Inc. 😉
Pagpupugay sa pamunuan ng ACI at sa ating mga mahuhusay na artists. 👌🏼
P150,000 ang kanilang napanalunan at legasiya na sa tuwing mapapagawi sa Community park ng Lipa city ay matutunghayan ang kanilang obra! 😊
Hindi pinalampas nina Mayor Atty. Cindy Valenton-Reyes, VM Daniel Reyes at Tourism officer Charlyn dela Luna ang pagkakataon na ipamalas ang suporta sa ating mga kalahok!
Tunay na MAGANDANG AGONCILLO!!! 🥰
#MagandangAgoncillo
#muralpainting



0 Comments