Paunawa Po sa publiko at sa ating mahal na mga motorista: Ika-16 ng Oktubre, 2023

Maagap Po naming ipinapaalam sa ating mga kababayan na sa darating ng Ika-22 ng Otubre, 2023 araw ng Linggo ay pansamantala Po munang isasara ang Agoncillo-Laurel Circumferential Road partikular sa Barangay Bangin-Kulafu (Simula Bangin Bridge hanggang Brgy. Poblacion) simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga upang bigyang daan ang gaganaping 2nd Tawilis Festival Street Dancing Competition 2023.

Pinapayuhan Po ang lahat na gamitin ang alternatibong daan sa may kanto ng Barangay Poblacion (Palawan Pawnshop) pakanan papuntang Barangay Pamiga hanggang Coral Na Munti labas Po ng papuntang Barangay Sta. Cruz (Vise Versa) o di kaya naman Po ay sa Barangay Pansipit-San Nicolas Bridge (Vise Versa).

Kaagapay po natin ang ating mga mahal na Barangay Officials, Barangay Tanod, Agoncillo BFP, Agoncillo PNP at Agoncillo MDRRMO para sa maayos na daloy ng trapiko at Agoncillo RHU para sa ating kalusugan at kaligtasan.

Hinihingi Po namin ang inyong malawak na pang-unawa at kooperasyon. 

Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments