Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Week, inaanyayahan ang ating mga minamahal na senior citizen na makiisa sa gaganaping EYE CHECK-UP AND CATARACT SCREENING ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo!
Layunin ng programang ito na pangalagaan ang kalusugan, paningin, at pangkalahatang kapakanan ng ating mga nakatatanda sa pamamagitan ng mga serbisyong pangkalusugan na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
MGA SERBISYONG INAALOK:
(limitado sa 20 piraso lamang)
Hinihikayat ang ating mga senior citizen at kanilang mga kapamilya na samantalahin ang pagkakataong ito upang mabigyang-pansin ang kalusugan ng ating mga lolo at lola. Ang maagang pagpapasuri ay mahalaga upang matukoy ang mga suliranin sa paningin!

0 Comments