HUSAY NG KABATAAN: MGA LINGKOD KABATAANG AGONCILLIAN, TAGUMPAY SA KANILANG LICENSURE EXAMINATIONS! 🇵🇭✨



Isang karangalan at inspirasyon para sa Bayan ng Agoncillo ang tagumpay ng dalawang lingkod-kabataan na nagpakita ng husay, dedikasyon, at determinasyong maabot ang kanilang mga pangarap.
Malugod na binabati ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sina:
Kgg. Phil Astmer D. Marasigan – Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay Subic Ibaba, sa matagumpay na pagpasa sa Electrical Engineering Licensure Examination.
Kgg. John Rael U. Caringal – Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay San Teodoro, sa matagumpay na pagpasa sa Psychometrician Licensure Examination.
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng pagsisikap at sakripisyo, kundi patunay rin na ang mga kabataang Agoncillian ay may kakayahang mangarap, magsikap, at magtagumpay habang patuloy na naglilingkod sa kanilang kapwa.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong mga narating sa iba pang kabataan na patuloy na nagsusumikap para sa kanilang mga pangarap at sa ikauunlad ng ating bayan.
Muli, taos-pusong pagbati! Ipinagmamalaki kayo ng buong Bayan ng Agoncillo!

Post a Comment

0 Comments