Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Turismo 2026, inaanyayahan ang mga kabataan, mag-aaral at mga baguhang "Content Creators" na makilahok sa LGM 2026: Pagsasanay sa Paglikha ng Bidyo para sa Adbokasiya.
Sa loob ng tatlong araw, matututunan ang mga pangunahing kaalaman sa paglikha, pagkuha, pag-edit at pagbabahagi ng makabuluhang bidyo gamit ang cellphone upang maipakita sa mas maraming tao ang ganda, kultura, kuwento at mga yaman ng ating bayan.
Setyembre 4–6, 2026 (Biyernes–Linggo)
8:00 ng umaga–4:00 ng hapon
Gregorio Brotonel Event Center, Agoncillo, Batangas
Ang buwan ng Turismo ay may Temang: Digital na Adyenda at AI sa Muling Pagdidisenyo ng Turismo.
Makakasama rin sa pagsasanay si Sir Leo G. Martinez, aktor, direktor, prodyuser at tagapagtaguyod ng programa.
Gamit ang inyong cellphone, ikuwento ang ganda ng Agoncillo at ipakita sa mundo ang yaman ng ating bayan!
Limitado lamang kaya magparehistro na!
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Turismo ng Bayan ng Agoncillo sa 0915-385-5884.
Halina't maging bahagi ng mga bagong kuwento ng Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments