Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa ginanap na Kick-Off Ceremony ng 32nd National Crime Prevention Week sa Batangas City kasama ang ating masipag na hepe ng kapulisan, PMAJ John Glenn Sablan.
Kasama rin ni Mayor Cindy sa mahalagang pagtitipong ito ang mga Punong Bayan mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Batangas, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at sama-samang paninindigan para sa isang ligtas, maayos at mapayapang pamayanan.
Ang National Crime Prevention Week ay nagsisilbing paalala na ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ay hindi lamang tungkulin ng mga nagpapatupad ng batas, kundi isang pananagutan ng bawat mamamayan at ng buong pamayanan.
Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, iba’t ibang ahensya at higit sa lahat, ng ating mga kababayan, patuloy nating isusulong ang mga hakbang tungo sa crime prevention, peace and order, at kaligtasan ng bawat Agoncillian.
Sa Agoncillo, sama-sama nating pinangangalagaan ang isang pamayanang may disiplina, pagkakaisa, malasakit at seguridad.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments