SAMA-SAMA PARA SA MAS MALUSOG NA BAYAN: MAGANDANG AGONCILLO, NAGSAGAWA NG LIBRENG CHEST X-RAY KAAGAPAY ANG CULION FOUNDATION BILANG BAHAGI NG NATIONAL LUNG MONTH 2026 🇵🇭✨

 

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month 2026, matagumpay na isinagawa noong Agosto 19, 2026 sa Barangay Balangon, Agoncillo, Batangas ang libreng Chest X-ray para sa mga kababayan nating nais magpasuri at higit na mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, katuwang ang Culion Foundation, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maagap na pagsusuri, pag-iwas, at pangangalaga laban sa mga sakit sa baga. May tema ang nasabing programa na "YES! Pilipinas can #EndTB!".

Bukod sa libreng pagsusuri, namahagi rin ng mga itlog sa bawat kababayang sumailalim sa Chest X-ray, ito ay isang simpleng karagdagang tulong upang masuportahan ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga mamamayan.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na mailapit sa ating mga kababayan  ang mga serbisyong pangkalusugan at mapalakas ang kamalayan ng ating mga kababayan tungkol sa kahalagahan ng regular na pagpapasuri ng baga.

Para sa kalusugan, sama-sama tayo. Para sa mas malusog na Agoncillo, walang maiiwan.  

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments