KABAYAN, DAPAT ALAM MO 🇵🇭✨

 

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg.

131 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, inatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan sa mga nabanggit na lugar, kabilang ang Batangas, na magpatupad ng naaangkop na alternatibong kaayusan sa pagtatrabaho ngayong Agosto 20, 2026.

Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang paghahanda sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na Habagat, na maaaring magdulot ng pagbaha, panganib sa paglalakbay, at iba pang epekto sa kaligtasan ng publiko.

Patuloy namang isasagawa ng mga

tanggapan at ahensiyang nagbibigay ng

pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo ang kanilang mga tungkulin upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.  

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments