LTO CARAVAN NG SANGGUNIANG KABATAAN PARA SA LINGGO NG KABATAAN, DINAGSA 🇵🇭✨

 


Bagamat hindi karaniwang aktibidad para sa Linggo ng Kabataan, dinagsa ngayong araw ang LTO Caravan na ginaganap sa Gregorio Brotonel Event Center. 

Layon nito na makapagbigay ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) at maproseso din ang student permit ng mga nagsidalo. 

Ani Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa kanyang pagsasalita, “dahil dito ay matutulungan ang nakakarami lalo ang mga kabataan na maging ligtas at responsable sa pagmamaneho.” Ibinahagi rin niya ang iba pang mga kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang lisensya sa pagmamaneho.

Nagulat din si SK Municipal Federation President John Mark Hernandez sa dami pa pala ng nangangailangan ng lisensya. Natuwa rin siya na ang mga kabataan ay marunong na sumunod sa umiiral na mga patakaran at batas.

Katuwang din sa pagsasaayos at pagsisigurong maisasakatuparan ang gawaing ito si Gng. Mercy Punzalan mula sa tanggapan ng PESO / BPLO.

Masasabi na ito ay tunay makabuluhang pagdaraos ng Linggo ng Kabataan sa Agoncillo. Maganda ang hangarin ng Sangguniang Kabataan sapagkat unti-unti ay maaakay nila ang mga kabataang Agoncillian at ang ating mga kababayan tungo sa mas maayos at mas responsableng buhay.

#ltocaravan

#LinggoNgKabataan2026

Post a Comment

0 Comments