Mga kababayan, nais po naming ipaalam sa inyo na ang ating Pambayang Aklatan na matatagpuan sa third floor ng J. Mendoza Municipal Building ay bukas na tuwing Sabado at Linggo mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
Ito ay upang bigyang daan ang ating mga mag-aaral na nais magsaliksik at magbasa tuwing sabado at linggo. Lalo't higit ay mapagbigyan ang mga mag-aaral na naghahangad na ito ay buksan sa mga nasabing araw.
Patuloy nating pagtibayin ang Edukasyon dito sa Agoncillo. Dahil ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo at ang Agoncillo Municipal Library ay naniniwalang, ang Kabataang Agoncillian, ang tunay na Pag-asa ng ating bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments