MAYOR CINDERELLA VALENTON-REYES, KASAMA SA PARANGAL NG ALAY LAKAD FOUNDATION, INC.

 



July 3, 2026 - Isang gabi ng pasasalamat ang idinaos ng Alay Lakad Foundation, Inc. (ALFI), para sa mga partner agencies, groups and associations nito. Ginanap ito sa YMCA Building, lungsod ng Maynila.

Iisa ang layunin ng mga representate doon, na makapagbigay ng tulong sa mga kabataan, partikular sa mga Out of School Youth. Mainit ang kanilang naging pagtanggap sa ating butihing mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na isinama sa parangal bilang pangulo ng Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc. (BPALFI).

Pinangunahan ng ALFI president, Mr. John L. Siy, ang nasabing Salamat Po Awards night. Kabilang sa mga dumalo ay ang Kiwanis club, Rotary Club, PRRI, Girl Scouts of the Philippines, YMCA, YWCA, AFP, PNP, PAF, at iba pa. 

Post a Comment

0 Comments