Buong galak at pagmamalaki na binabati ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sina Ma'am Francesca Legaspi at si Sir Ryan Christopher De Villa sa kanilang pagkilala bilang mga "Biggest Loser Awardee” para sa buwan ng Hunyo 2026 sa isinagawang programa kaugnay ng pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan na pinangunahan ng tanggapan ng RHU.
Ang natatanging pagkilalang ito ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon, disiplina, at matibay na determinasyon na mapanatili ang isang malusog na pangangatawan.
Ipinapahayag ng Lokal na Pamahalaan ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa kanilang tagumpay. Nawa’y magpatuloy ang kanilang mabuting halimbawa sa pagtataguyod ng isang mas malusog, masigla, at mas matatag na hanay ng mga kawani ng bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments