Sa gitna ng pagdadalamhati at pag-alala sa kanyang makabuluhang paglilingkod, idinaos ang isang Luksang Parangal para kay dating Punong Barangay Kgg. Gorgonio Atienza sa Bulwagan ng Barangay Subic Ilaya,ang mismong barangay na minsang kanyang buong pusong pinaglingkuran bilang lingkod-bayan.
Nakibahagi sa nasabing programa ang ating minamahal na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang,kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Agoncillo, bilang pakikiisa sa pamilya, mga kaanak, at mga mamamayang nagmamahal at nagpapahalaga sa yumaong lider.
Nagbigay rin ng pagkilala at parangal ang Lokal na Pamahalaan at Pamahalaang Barangay ng Subic Ilayasa pangunguna ni Kgg. Mario Almanzor, bilang pasasalamat sa mga naiambag ni Kgg. Gorgon Atienza sa pagpapaunlad ng barangay at sa kanyang tapat at makataong paglilingkod sa komunidad.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay at pamana ng serbisyo publiko sa mga susunod na henerasyon. Ang kanyang dedikasyon, kabutihan, at pagmamahal sa kanyang nasasakupan ay mananatiling buhay sa alaala ng bawat mamamayan ng Subic Ilaya.
Maraming salamat sa iyong paglilingkod, Kgg. Gorgonio Atienza. Nawa’y pagkalooban ka ng Panginoon ng walang hanggang kapayapaan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments