Isang taos-pusong pagkilala ang iniuukol ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo kay Bb. Mayeth Carolino ng Brgy. Pook, bilang Natatanging Agoncillian para sa Buwan ng Mayo 2026.
Ang kaniyang dedikasyon, husay, at pamumuno sa larangan ng palakasan bilang Coach of the Year sa NCAA Women’s Volleyball Season 101. Ito ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kabataan kundi sa buong pamayanan.
Ipinapakita ng kaniyang tagumpay ang kakayahan at galing ng isang tunay na Agoncillian na patuloy na kumikinang saan mang bahagi ng ating Bansa.
Nawa’y magsilbi itong patunay na sa sipag, tiyaga, at paninindigan, ang bawat pangarap ay maaaring makamtan. Ipinagmamalaki ka ng Agoncillo! 🏆
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments