BAYAN NG AGONCILLO, ITINANGHAL BILANG PROVINCIAL NOMINEE NG PESO SA 2025 SEARCH FOR THE GIP CAREER BUILDER EMPLOYABILITY AWARDS

 


Isang karangalan para sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na muling makilala sa larangan ng pagbibigay ng oportunidad at paghubog ng kakayahan ng ating mga mamamayan.

Sa pangunguna ng ating PESO Manager na si Ma’am Mercy Punzalan, katuwang ang buong Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, kinilala si Ms. Janice Magsino na isang dating GIP beneficiary na ngayon ay isa nang ganap na empleyado ng ating lokal na pamahalaan.

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng Search for the GIP Career Builder of the 2025 Employability Awards ng DOLE, na ginanap sa Robinsons Lipa. Patunay ito na sa tulong ng mga programang pinangungunahan ng DOLE, nagiging tulay ang pamahalaan sa pag-abot ng pangarap at mas maayos na kinabukasan para sa bawat Agoncillian.

Patuloy ang ating adhikain na makapagbigay ng disenteng trabaho at oportunidad para sa lahat, tungo sa isang mas maunlad at inklusibong Magandang Agoncillo.

Muli, Congratulations!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments