Turn-Over ceremony para sa bagong OIC Principal ng Banyaga National High School (BNHS)

 


Abril 21, 2026 - Ginanap ang Turn-Over ceremony para sa bagong OIC Principal ng Banyaga National High School (BNHS) na si G. Edmund Evangelista.

Sa kanyang pagtanggap pananalita, binigyang diin niya na ang layunin niya ay hindi lamang ang matuto ang mga bata kundi sila ay maging responsableng mamamayan. Sinabi pa niya na ang One Banyaga National High School ay tunay na huwaran ng kalidad at kahusayan. At sa pagwawakas, aniya siya ay para sa edukasyon, para sa bata at para sa bayan.

Ipinasa ni outgoing Principal Dr. Philip Adrian Tenorio ang simbolo ng BNHS at itinagubilin ang pagpapatuloy ng mga nakakasang proyekto. Si Dr. Tenorio ay lilipat naman sa Calatagan Sub Office.

Inihatid si Sir Edmund ng mga kasamahan niya sa Nasugbu Sub-Office sa pangunguna ng kanilang Public Schools District Supervisor (PSDS) na si Gng. Avelina Gaa, at mainit na tinanggap ng Smart Agoncillo Sub Office sa pangunguna ni Dr. Ma. Melissa Arriola, at ng LGU Agoncillo sa pangunguna ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.


Post a Comment

0 Comments