Isa sa mga panauhin ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas ang Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpupulong ngayong araw, Abril 15, 2026, sa Camp Netanya, Mabini, Batangas.
Ipinagmalaki ni SILG Remulla na sa unang linggo ng pagpapatupad ng Safer Philippines ay nabawasan ng may 30% ang crime index.
Binati rin niya ang mga mayors na karamihan ay sadyang walang inorasan ang paglilingkod sa mga kababayan. Patuloy rin niyang pinaalalahanan ang mga mayors na napakahalaga ng kanilang “presence” sa kani-kanilang bayan. Bilang pangwakas, ani SILG, “ Let’s be present, let’s be home, and let us be available.”
Dumalo rin sina PNP Calabarzon Regional Director PBGen Hansel M Marantan, PNP Batangas Provincial Director PCOL Meliton A Salvadora, Provincial Administrator Atty. Joel Montealto, at COS Jun Dijan.
Dumalo rin ang ating Provincial Prosecutor Atty. Lourdes Zapanta, na nagpahayag ng pagkabahala sa mga nanloloko sa mga nahablahan ng kasong kriminal sa kanilang tanggapan. Binigyang-diin niya na hindi siya tumatawag sa mga police stations para sa mga kaso ng mga nakakulong doon.
21 municipal mayors ang dumalo, kabilang ang ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
0 Comments