BINATA NA SI TAKENG 2026, MULING ISASAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO KATUWANG ANG IBA'T-IBANG ORGANISASYON
Isang taos-pusong paanyaya sa ating mga magulang at kabataang lalaki ng Bayan ng Agoncillo!
Sa pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon at ng ating lokal na pamahalaan, buong galak naming hatid ang “Binata na si Takeng 2026: Libreng Tuli”, isang programang naglalayong itaguyod ang kalusugan at kalinisan ng ating mga kabataang lalaki sa pamamagitan ng ligtas at maayos na serbisyong medikal.
Gaganapin ito sa Gregorio Brotonel Events Center sa darating na Abril 21, 2026 (Martes), ganap na ika-8 ng umaga.
Ang programang ito ay bahagi ng ating patuloy na adbokasiya sa disease prevention and treatment, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kalusugan ng kabataan bilang pundasyon ng isang mas matatag at masiglang pamayanan.
Inaanyayahan ang lahat ng magulang na samahan at gabayan ang kanilang mga anak sa mahalagang hakbang na ito tungo sa kalinisan, kalusugan, at pagiging ganap na binata.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay o sa Agoncillo Rural Health Unit.
Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog at maunlad na Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments