Ginanap kaninang umaga ang Social Science Forum 2026 ng College of Arts and Sciences. Pinangunahan ng University President Ms Lily Marlene J. Hernandez-Bohn at Dean Dr. Prizcilla Mizpah Santillana ang nasabing activity.
Tinalakay ni Mayor Cindy ang tungkol sa gender at society at ang koneksyon nito sa peace education. Napakahalaga aniya ang role ng mga guro, mga estudyante at ng unibersidad para siguruhin ang gender sensitivity.
Ito ay naka-live streaming at humigit kumulang sa 800 ang dumalo at nanood. Una nang naka set ito ng face to face ngunit dahil sa pag-shift ng mga klase sa online bilang pagtugon sa global crisis kaya ginawa na rin itong virtual forum.
Bilang pangwakas sa kanyang lecture, ibinahagi ni Mayor Cindy ang isang quote, “When you find peace within yourself, you become the kind of person who can live at peace with others.” (Peace pilgrim)
0 Comments