G. Romualdo M. Villanueva ng Barangay Balangon, nagdiwang ng ika-100 taong kaarawan.

 


Nakiisa ang mga presidente ng seniors ng iba’t-ibang barangay, sa pangunguna ng ating Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) head, Ms Purificacion Sarmiento at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) president Rosie Biscocho, sa kaarawan ng ating Centenarian.

Pinangunahan naman ng ating mahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ni treasurer Crizzane C. Katigbak ang pag-aabot ng tseke mula sa mamamayan ng Agoncillo sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan.

Ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piso (P50,000.00) na ibinibigay ng ating LGU sa bawat centenarian. 

Muli, ang pagpapa-abot ng Maligayang ika-100 taong kaarawan kay G. Mundo Villanueva.


Post a Comment

0 Comments