Abril 22, 2026 - Ginanap ang isang coordination meeting sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng DPWH District 3 para sa mga pagawaing nakaprograma sa taong kasalukuyan.
Inilatag ng DPWH sa pangunguna ni Engr. Christian Mendoza ang mga nakalaang budget ng national government pati na rin ang mga disensyo ng mga infrastructure projects na gagawin sa Agoncillo kasama ang sa mga barangay, paaralan, mga kalsada at iba pa.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LGU upang matugunan ang mga priority projects, lalong lalo na iyong mga nasira ng nagdaang kalamidad.
0 Comments