Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay para sa ating kapwa Agoncillian na si Ms. Andresa Cueto, na nagbigay karangalan sa ating bayan matapos masungkit ang Ikalawang Pwesto sa Natatanging Nay Tay ng Batangas 2026 na ginanap sa ating Kapitolyo.
Ang kanyang kwento ay patunay na ang pagiging magulang ay hindi lamang nasusukat sa sakripisyo, kundi sa walang kapantay na pagmamahal, tibay ng loob, at dedikasyon sa pamilya.
Sa temang “Hindi ka nag-iisa sa iyong pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,” kanyang ipinamalas ang tunay na diwa ng pagiging haligi at ilaw ng tahanan,matatag, mapagkalinga, at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong tagumpay. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa bawat magulang at mamamayan na patuloy na nagsusumikap para sa mas maayos na kinabukasan ng kanilang Pamilya.
Sa iyong tagumpay, dala mo ang dangal ng buong bayan. Maraming salamat sa iyong huwarang paglilingkod bilang isang ina at bilang isang tunay na Agoncillian!
Muli, pagbati po sa inyo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments