SLP BOOTH COMPETITION 2026

 



BAYAN NG AGONCILLO, WAGI SA SLP BOOTH COMPETITION 2026 SA MATAAS NA KAHOY

Nagningning ang galing at husay ng Bayan ng Agoncillo matapos tanghaling wagi sa ginanap na SLP Booth Competition 2026 sa Bayan ng Mataas na Kahoy!

Isang taos-pusong pagkilala ang ipinapaabot sa SLP Association at sa Agoncillo LGU Creative Team sa kanilang ipinamalas na pambihirang teamwork, creativity, at dedikasyon na naging daan sa tagumpay ng ating bayan, sa pamumuno ni Sir Dave Luya bilang pangunahing dekorator.

Dahil sa kanilang sama-samang pagsisikap, nakamit ng Bayan ng Agoncillo ang karangalang BEST BOOTH (SECOND PLACE) sa ginanap na may temang Sinsay: Sama-samang Lakas ng Negosyong Susulong at Yayabong SLP Trade Fair 2026 na idinaos sa Mataas na Kahoy, Batangas noong March 12-13, 2026.

Ang tagumpay na ito ay patunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Agoncillians, walang imposibleng maabot. 

Patuloy nating ipagmalaki ang husay at galing ng ating bayan!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments