PINTELA: MGA KWENTO NG PAG-ASA ART EXHIBIT AND HAND-PAINTED ARTWORKS ON FABRIC, OPISYAL NG BINUKSAN SA PUBLIKO
Opisyal nang binuksan sa publiko ang PINTELA: Mga Kwento ng Pag-asa Art Exhibit and Hand-Painted Artworks on Fabric, isang natatanging pagtatanghal ng sining na nagpapakita ng pag-asa, kultura, at husay ng ating mga Batangueño.
Ginanap ang opening day ngayong March 23, 2026, ganap na 1:30 ng hapon sa Sangguniang Bayan Lobby, Agoncillo, Batangas. Ang exhibit ay magtatagal mula March 23 hanggang March 29, 2026.
Hatid ito ng Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura, Inc. katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo at Agoncillo Tourism Office, para sa kapakinabangan ng Banyaga Elementary School.
Inaanyayahan ang lahat na dumalaw at masilayan ang mga obrang likha sa tela na puno ng kwento at inspirasyon. Suportahan natin ang sining at ang layuning makatulong sa komunidad!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments